Posts

Mga Pandiwa

Ano Ang Pandiwa? Ang Pandiwa (berbo o verb) ayay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ang ibig sabihin ay ito ang tumutukoy kung ano ang ginagawa ng tao. Ito ay maaaring lagyan ng panghalip. Halimbawa: Takbo, Lipad, Hugas, Lakad. 1. Tinatawag na nasa panahunang pangnagdaan ng pandiwa (past tense) ang salitang kilos na naganap na o nangyari na. Nakikilala rin ito sa tulong ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulag ng; kahapon, kagabi, kanina Halimbawa: Tumulong ako kagabi sa mga gawaing bahay. 2. Ang salitang kilos na nagaganap palang ay tinatawag na nasa panahunang pangkasalukuyan ng pandiwa (present tense). Halimbawa: Nanonood ako ngayon ng T.V 3. Ang salitang kilos na magaganap palang ay nasa panahunang magaganap ng pandiwa (future tense). Nakikilala ito sa tulong ng mga salitang tumutukoy sa panahon tulad ng; bukas, mamaya, sa isang linggo, sa isang taon at iba pa. Halimbawa: Si Juan ay aalis mamayang gabi.